DAGUPAN, CITY— Hindi naman kailangang maputol ang ugnayan ng bansa lalo sa relayon ng Pilipinas sa iba pang bansa lalo na sa usapin sa coronavirus disease at sa sektor pangseguridad at militar.

Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sen. Risa Hontiveros, ipinaliwanag nito ang dalawang kasalukuyang pakikipag-ugnayan ng ating bansa sa iba pang mga malalaking mga bansa katulad na lamang ng bansang Amerika.

Ito ay kaugnay na rin ng pagbasura ng kamara sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at ng bansang Amerika.

--Ads--

Aniya, kailangang mapag-aralang mabuti ng mambabatas kasama ng senado ang pagbabasura sa nasabing panukala.

Samantala, inihayag din nito na bagaman napakarami na umano ng ating bansa hinggil sa COVID-19, ani Hontiveros ang kahalagahan ng mga kalapit bansa sa pagtulong ng ating bansa na makabangon mula sa pandemyang ito.

Dagdag pa nito na tumindig bilang isang independiyenteng bansa, na nirerepresenta ng gobyerno para iwasto ang mga pagkakamalian o hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng iba pang bansa.