DAGUPAN CITY- Binigyan halaga ng isang cyber security specialist ang pag-iingat sa pagpost sa social media ng mga personal na bagay dahil sa Viral “Screenshot Gift” Video.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Tzar Umang, Cyber Security Specialist, tinalakay ang naging usap-usapan sa social media ang kamakailang pagpost ni Vinz Jimenez ng pagreregalo nito kay Lean De Guzman ng mga screenshots ng usapang nagpapatunay umano ng panloloko nito.

Aniya, sa ilalim ng R.A 10173 (Data Privacy Act of 2012), kinokonsidera itong isang “Household Issue” at tanging ang dalawang indibidwal lamang ang buong nakakaalam sa usapin.

--Ads--

Nangangahulugan na walang liability si Jimenez, ang nagpost online.

Gayunpaman, maaari itong lumihis sa Cyber Crime Law kung pag-uusapan ang illegal access ng data.

Sinabi naman ni Umang na kung idadaan ito sa Korte ay nakadepende pa rin sa relasyon ng dalawang indibidwal ang pagkakaroon ng liability at kung paano nakuha ang impormasyon.

Magiging matibay pa ang pagkakaso kung dawit na rin ang publiko.

Naniniwala naman siya na maaari pa rin itong ayusin ng dalawang sangkot sa isyu sapagkat personal naman ito na usapin.

Samantala, binigyan diin niya na anumang marital issue ay hindi dapat ito isinasapubliko sa social media.

Maaari kaseng itong maging mitsa pa ng pagkakaso laban sa nabiktima ng panloloko dahil sa paglabag sa Cyber Crime Law.

Sa bahagi ng kababaihan, mas mainam na idaan na lamang sa pagrereklamo so Violence Against Women and Children (VAWC).

Dagdag pa ni Umang, pantay pa rin ang karapatan ng lalaki at babae sa usaping pang-aabuso.