DAGUPAN CITY- Viral ngayon ang video ng pagkaladkad at paghila sa isang pusa na nakatali sa likod ng sidecar ng isang 71-taong gulang na lalaki habang ito nagmamaneho sa bayan ng Malasiqui dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Batay sa isinagawang imbestigasyon at nakalap na impormasyon ng Malasiqui Police Station, balak umano ng suspek na iligaw ang pusa dahil nangangalmot umano ito.
Kinilala ang suspek na si Ciriaco “Jun” Mendoza, 71 taong gulang at residente Brgy. Gomez sa nasabing bayan.
Nakapagtamo naman ng mga sugat sa paa at tagiliran ang pusa. Sa tulong ng ilang concerned citizens tulad na lamang ng Animal Welfare Advocate ay agad din itong dinala sa barangay hall at veterinary office upang agad na magamot ang pusa sa ngayon ay nagpapagaling pa.
Samantala, maaari naming maharap sa kasong paglabag Republic Act No. 8485 o mas kilala rin bilang The Animal Welfare Act of 1998, ay isang batas sa Pilipinas na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga hayop.
Kaugnay nito ay mariing kinondena din ng Animal Welfare Advocate sa pangunguna ni Norman Cordero-Marquez na siyang isa sa mga sumagip at tumulong sa pusa.
Nanawagan din ito sa publiko na agad isumbong sa mga awtoridad kung mayroon silang kilala o alam na nagmamalupit din sa mga laagang hayop.