Nahaharap ngayon ang bise Presidente ng bansa na si Vice President Sara Duterte sa isang dilemma kung saan maraming mga bagay ang ibinabato laban sa kaniya.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Emmanuel Joseph Cera, isang Constitutional Lawyer, hindi nito kinakikitaan ng suporta ng mga tao sa nagyayari sa bise Presidente ng bansa na si Vice President Sara Duterte.
Dagdag nito, ang mga pagbabanta at paggamit ng mga maaanghang na salita ng bise Presidente ay maaaring gamitin laban sa kaniya kung may isang Congressman na gagawa ng hakbang upang mag-umpisa ng paghahain ng impeachment complaint.
Hindi naman umano dapat katakutan ng bise ang mga hain laban sa kaniya dahil isa rin itong abogado at alam nito ang mga pasikot-sikot pagdating sa batas kung saan naniniwala si Cera na gagamit ng mga legal na proseso ang bise upang sagutin ang mga alegasyon laban sa kaniya.
Dadag nito, makikita ang pagkakaiba ng presidente at ng bise sa pagsagot sa isa’t-isa kung saan nagkaron ng emotional meltdown ang nasabing bise.
Samantala, may pagkakapareho ang nangyari kay Atty. Harry Roque sa nangyari kay Atty. Zuleika kung saan nakakakitaan nio na hindi tugma ang mga sinasabi sa mga nangyayari.
Nakikita ng abogado na ang mga nangyayari sa pagitan ng Presidente at Bise ay pagpapakita na hindi na ito ally ng nasabing pangulo kaya’t nangyayari ang mga kasalukuyang pangyayaring ito sa kaniya kng saan nahaharap ang bise sa isang dillema.