DAGUPAN CITY–Nagpasa ng resulosyon ang Vice Mayors League of the Philippines Pangasinan Chapter na komokondena sa pagtatangka sa buhay ni dating Pangasinan Governor at dating 5th District Congressman Amado Espino Jr. matapos tambangan ang convoy nito sa Brgy. Magtaking sa lungsod ng San Carlos kahapon.

Sa pamamagitan ng kanilang pangulo na si Alaminos City Vice Mayor Antonio Perez kasama si Executive Vice President Laoac Vice Mayor Atty Nelson Valdez Gayo, ay nag-isyu sila ng resulosyon na mahipgit na komokondena sa ginawang pananambang sa convoy ng dating ama ng probinsiya na nagresulta sa pagkamatay ng isang bodyguard nito at pagkakasugat ng apat pang kasamahan.

Nauna rito nagpahayag ng pagkondena sa insedente ang Vice Mayor League of the Philippines Pangasinan Chapter sa pamamagitan ni Atty Gayo.

--Ads--

Nauna rito bumisita sa Gayo Personal sa ospital kung saan dinala ang dating Kongresista matapos magtamo ng tama ng bala sa tagiliran.

Naroon umano ang buong pamilya Espino maliban lang sa anak nitong babae na nakabase sa US.

Labis umano itong nagpasalamat sa kanyang pagkakaligtas subalit, nalulungkot ang dating congressman sa sinapit ng kasamahan.