Usap-usapan ngayon sa social media ang pasimpleng tila tirada ni Vice Ganda laban sa mga korap na pulitiko at opisyal ng gobyerno na patuloy nagpapayaman mula sa pondo ng bayan.

Sa kanya kasing mga social media accounts, nagbahagi si Vice ng isang quote tungkol sa diumano’y postura ng mga kriminal.

Nakasulat dito: “THE BIGGEST CRIMINALS WEAR TIES NOT TATTOOS”

--Ads--

Dagdag pa ang hirit na “TIME FOR CHANGE, TIME TO TAKE BACK CONTROL, TIME TO BRING THEM DOWN.”

Hanggang sa muling pumitik si Vice laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Sa isa pang post kasi, nakasaad naman na ang pagiging korap ng isang gobyerno ay nagsasadlak sa mga tao sa kahirapan.

Sinegundahan rin niya agad ito ng isang meme ng corruption at sa mga biktima nitong ordinaryong mamamayan.

Simula nang pumutok ang isyu tungkol sa flood control projects na nababalot ng korapsyon, hindi na nagpapapigil si Vice sa pagpuna sa mga taong umaabuso sa pera ng bayan.

Napansin rin ng ilan na kadalasan ay tinatalakay niya ito sa kaniyang segment sa isang show kung saan ay binigyang diin niya ang pagbabayad ng tama sa tax.