Dagupan City – Isinagawa ang Veterinary-Medical Mission para sa mahigit 900 na mga alagang hayop, sa Brgy. Nibaliw sa bayan ng Mangaldan kamakailan.
Ito ay kaugnay sa inorganisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at lokal na pamahalaan ng bayan.
Pinangunahan naman ito ng Provincial Veterinary Office katuwang ang Municipal Agriculture Office, kung saan, isa sa kanilang mga ibinigay na serbisyo ay ang anti-rabies vaccination, deworming, bitamina, paggamot sa mange, at spaying/neutering.
--Ads--
Layunin ng misyon na gawing rabies-free ang lalawigan at tiyakin ang kalusugan ng mga alaga para sa kaligtasan ng komunidad. (Justine Ramos)