Dagupan City – Tiniyak ng mga vendors sa firecracker zone Dagupan City sa Brgy. Poblacion Oeste, Dagupan City na ligtas at complete requirements ang mga ito.
Ayon sa Firecracker Vendor na si Gemma Marcellano, sumisimbolo kasi ito ng kanilang pagtalima at katibayan na sumailalim ang mga ito sa seminar sa lalawigan ng La Union para sa kaukulang permit na kinabibilangan ng Mayor’s Certificate, PNP permit, BFP permit at Crame permit.
Dagdag pa rito ang pagsunod sa mga patakara gaya na lamang ng; hindi pagbebenta sa mga bata at pagsiguro na may label ang mga ito.
Kaugnay nito, tinitiyak naman ng mga awtoridad na ligtas ang mga ito sa kanilang pwesto dahil may mga nakaantabay na mga tubig, buhangin, at fire extinguisher na kanilang gagamitin sakaling magkaroon ng insidente kagaya na lamang ng sunog.
Sa kabila nito, ang mga mahuhuling lumabag naman sa mga patakaran ay hindi na makakakuha pang muli ng permit o mapapahintulutang makakapagbenta pang muli.