Nakapagtala ng mas mataas na bilang ng vehicular traffic incidents sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taon kumpara noong nakaraang taon, ayon kay Plt. Eduardo Mabutas, Investigation Officer ng Provincial Highway Patrol Team (PHPT) Pangasinan.

Sa datos na inilabas ng PHPT, umabot sa 1,392 ang kabuuang bilang ng mga naitalang insidente sa taong 2025, mas mataas kumpara sa 1,031 kaso noong 2024.

Ayon kay Plt. Mabutas, kabilang sa mga kategoryang may pinakamaraming insidente ngayong taon ay ang:

--Ads--

Reckless imprudence resulting in damage to property – 626 kaso

Reckless imprudence resulting in homicide – 107 kaso

Reckless imprudence resulting in physical injury – 589 kaso

Samantala, noong 2024, naitala ang:

Damage to property – 464 kaso

Homicide – 118 kaso

Physical injury – 449 kaso

Samantala, speeding o labis na bilis sa pagmamaneho ang nangungunang sanhi ng mga insidente, kasunod ang driving under the influence ng alak o ipinagbabawal na gamot.

Dagdag pa rito, lumalaganap na rin ang distracted driving dahil sa paggamit ng mga gadgets habang nagmamaneho, at ang aggressive o reckless driving.

Binanggit din ni Plt. Mabutas na ang mahinang visibility ng traffic signage at poor road conditions, lalo na pagkatapos ng bagyo, ay isa ring salik sa mga insidente.

Aniya, mahalaga na malinaw at makikita agad ang mga palatandaan sa kalsada upang maiwasan ang kalituhan sa mga motorista.

Hinimok din nito ang publiko na maging mas maingat sa kalsada at sumunod sa mga alituntunin sa trapiko upang mapababa ang bilang ng mga aksidente.