Pinawi ng Vatican ang pamgamba ng karamihan matapos sabihin patuloy na “stable” ang kalagayan ni Pope Francis matapos ang isang isolated na breathing crisis.

Inihayag ng Vatican na hindi na muling nagkaroon ng breathing crisis si Pope Francis at maayos siyang tumugon sa oxygen therapy.

Bagamat hindi nila ibinahagi ang prognosis, inihayag nilang nanatiling alerto at maayos ang pag-iisip ng Santo Papa.

--Ads--

Ayon sa Vatican, ang Pope ay nakatanggap ng Eucharist at nagdasal, at nagpalit-palit sa paggamit ng oxygen mask at high-flow oxygen.
Patuloy din siyang kumain at sumunod sa regular na respiratory physiotherapy.