“Vaping is not a remedy to smoking.”
Yan ang binigyang diin ni Dr. Glenn Soriano US Doctor, Natural Medicine Advocate tungkol sa mga maling akala ukol sa vaping at paninigarilyo.
Aniya mahirap labanan ang industriya ng sigarilyo dahil napakalaki na ng kanilang operasyon.
Binigyang linaw nito na ang pangunahing sangkap ng sigarilyo ay nicotine, na hindi naman talaga delikado kung ginagamit nang tama.
Ngunit nagiging mapanganib ito kapag nasobrahan ang paggamit.
Bagamat may nicotine pa rin ang mga vape, may kaunting panganib ito kumpara sa tradisyonal na sigarilyo.
Gayunpaman, ayon kay Dr. Soriano, hindi pa rin ligtas ang vaping.
Dagdag pa niya na may malaking posibilidad na kapag nasubukan at nagustuhan ang lasa nito, maaaring magsimula na rin ang paninigarilyo sa katagalan.
Kaya’t nilinaw niya na ang vaping ay hindi isang lunas o remedy para sa paninigarilyo.
Bilang solusyon, inirerekomenda ni Dr. Soriano na itaguyod ang sports at iba pang malikhain at positibong libangan upang mabigyan ng tamang pokus ang mga tao, lalo na ang mga kabataan, upang maiwasan ang mga bisyo.