Nagsimula na ang vaccination rollout sa lahat ng kabataan na edad 12-17 anyos.

Ayon kay Dr. Rhuel Bobis, spokesperson ng Department of Health o DOH Region 1, sa ngayon ay mahigit 50,000 na mga kabataan ang nabakunahan na.

Tuloy tuloy aniya ang vaccination rollout hanggang sa maabot ang target na 70 percent.

--Ads--

Pinayagan na rin umanong simulan ang pagbabakuna ng booster shot, pero prioridad ay mga healthcare workers.
Iniulat din ni Bobis na pababa na ang kaso ng covid 19 sa region 1 dahil na rin sa pagsunod ng marami sa mga minimum health standards at tuloy tuloy na pagbabakuna.

Dr. Rhuel Bobis, DOH Region 1 spokesperson

Dagdag pa niya na ngayong maari nang makalabas ang mga bata ay ipinapayo niya na sumunod pa rin sa mga minimum public health standards upang maiwasan ang hawaan ng covid 19.