Dagupan City – Posibleng tumaas pa sa ₱17 Trillion ang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng taong 2025.
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Principal Economist Usec. Joselito Basilio, tinatayang nasa ₱15 trillion kasi ang magiging utang ng bansa sa pagtatapos ng 2024 pero may tiyansa itong tumaas o bumaba.
Ayon kay Basilio, manggagaling sa utang ang ₱1.537 trillion sa 2025 national budget habang ang ₱4.6 trillion ay manggagaling naman sa kita o koleksyon sa mga buwis.
Gayunpaman, nakikita aniya nilang magiging maganda ang revenue collection. Dagdag pa ang posinilidad na tumaas ang gross domestic product o GDP, base at sales, at tax collection, kung kaya’t bababa ang debt to GDP ratio ng Pilipinas sa 2026.
Nangangahulugan na mapabibilis ang pagbabayad ng utang ng bansa kabilang ang principal at interest.
Daan din aniya ito sa mas mababa mula sa level noong isang taon ang inflation para sa medium-term fiscal program ng bansa.