Nakadeploy na sa katubigan ng Pilipinas ang Nimitz-class nuclear-powered aircraft carrier USS George Washington (CVN 73) ng US Navy bilang bahagi ng pagpapatibay pa ng defense cooperation sa pagitan ng Manila at Washington dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa West Phillipine Sea.
Ang Estados Unidos ay nagdedeploy ng ilang mga malalaking naval units sa western Pacific kung saan kamakailan namamataan ang naval units din ng China na may dual aircraft carriers.
Tahimik na umalis ang USS George Washington sa homeport nito sa Yokosuka Naval Base noong nakaraang buwan at naglayag sa kauna-unahan nitong pagpatrol simula nang nakabalik ito sa Japan noong nakaraang taon.
Nagkataon naman na tumaas na rin ang bilang ng mga Chinese naval activity sa Pacific Region nang isagawa nila ito.
Ayon naman kay Capt. Timothy Waits, ang commanding officer, na ang paglalayag nito ay bahagi ng nakagawang pagpaaptrolya upang ipakita ang kanilang paninindigan sa katatagan ng rehiyon.