Dagupan City – Isinagawa ang 2026 Usapang Budget Natin Event Briefer and Program Flow sa Region I bilang bahagi ng malawakang kampanya ng pamahalaan upang ipaliwanag ang mahahalagang probisyon ng Fiscal Year 2026 General Appropriations Act na nilagdaan ni Ferdinand R. Marcos Jr. noong Enero 5, 2026.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon ang pambansang budget na nagkakahalaga ng PHP 6.793 trilyon ay nakatuon sa inklusibo at people-centered na pag-unlad.
Aniya, layunin ng Usapang Budget Natin na palawakin ang kaalaman at pag-unawa ng iba’t ibang sektor tulad ng edukasyon, kalusugan, agrikultura at repormang pansakahan, lokal na pamahalaan, serbisyong panlipunan, at hanay ng militar at uniformed personnel hinggil sa kahalagahan ng pambansang badyet at epekto nito sa kani-kanilang sektor.
Isinusulong nito ang malinaw at pare-parehong mensahe upang maipakita kung paano direktang sumusuporta ang pondo ng pamahalaan sa pambansang paglago at sektoralisadong prayoridad.
Samantala, kaugnay ng implementasyon ng mga proyektong nakapaloob sa pambansang budget, tiniyak ni na prayoridad ng ahensya ang pag-iinspeksyon at pagtatapos ng mga hindi pa natatapos na proyekto sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang ang Pangasinan.
Nakatakda naman aniya ang kaniyang pagbisita sa lalawigan sa loob ng Pebrero upang personal na makita ang kalagayan ng mga tulay, kalsada, flood control projects, mga paaralan, ospital, at health centers na hindi pa kumpleto.
Kabilang sa mga agarang hakbang ang pagsasagawa ng malawakang dredging at paglilinis ng mga ilog bago ang tag-ulan upang maiwasan ang pagbaha at mapabuti ang daloy ng tubig.
Inatasan din ang mga regional directors at district engineers na isumite ang kumpletong listahan ng mga proyektong hindi pa natatapos upang matukoy ang kinakailangang pondo at agarang matapos ang mga ito.
Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng mga proyektong may isyu, kasabay ng koordinasyon sa Office of the Ombudsman.
Ayon sa ahensya, mahalagang maipagpatuloy at makumpleto ang mga nasimulang proyekto upang matiyak na mararamdaman ng publiko ang benepisyo ng pambansang badyet at mapalakas ang tiwala sa pamahalaan.










