Dagupan City – Matagumpay na naisagawa ang usapang BIDA (Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan) sa lungsod ng Alaminos.

Bilang pakikiisa at pagsuporta ng lokal na pamahalaang lungsod ng Alaminos, layunin ng aktibidad na ito na pataasin ang antas ng kamalayan ng publiko sa mga negatibo o masamang epekto ng ilegal na droga sa pangkalahatang aspeto ng buhay.

Nagpaabot naman ng mensahe ni Alaminos City Mayor Arth Bryan C. Celeste sa pammagitan ni CGDH-1,CHRMO/OIC, City Administrator’s Office Dr. Emielou E. Gellado at CLGOO Victoria Jean P. Dawis.
Bilang “ka-partner” ng lokal na pamahalaan sa adhikaing, nagbahagi din ng Salita ng Diyos si Saint Joseph Cathedral Parish Priest Rev. Fr. Windell David G. De Vera.

--Ads--

Tinalakay naman ni Alaminos City Police Station Acting Chief of Police PLTCOL. Bernabe Ramos ang Drug Situation sa siyudad ang mga programa ng kaniyang opisina tungkol sa pagsugpo sa ilegal na droga.

Samantala, nakiisa din sa programa ang Anti-Drug Abuse Council (ADAC)Members, Liga ng mga Barangay President Ex-Officio Member Alex Recosana at ilang mga Punong Barangays, NBI Alaminos District Office, Agent in Charge Atty. Fabienne Matib,CPA at City Information Officer Atty. Elton Jun Veloria.