Dagupan City – Maituturing na panakot lamang ang usap-usapang posibleng magbunga ng pagtaas ng inflation ang isinusulong na wage increase upang umatras na.

Ito ang naging sintimiyento ni Jun Ramirez, National Vice President ng Federation of Free Workers.

Aniya, maaring isa lamang itong palusot upang magkaroon ng dahilan at tuluyan ng umatras ang mga nagsusulong ng nasabing panukala sa senado.

--Ads--

Sa katunayan aniya noong taong 1989 ay itinaas ang pasahod sa mga mangagawa ng P25 na pumapalo sa 40% at wala namang nangyaring pagtaas ng mga bilihin o infaltion.
Mapapansin din aniya sa ipinatupad na mas gumanda ang ekonomiya ng bansa dahil maituturing na consumer rin aqng mga mangaggawa kung kaya’t umiikot ng tama ang bawa’t sektor na nagreresulta sa paglago at maayos na ekonomiya.