Dagupan City – Nilinaw ng Pangasinan Police Provincial Office na walang katotohanan ang mga naglalabasang usap-usapan o mga post sa social media tungkol sa puting van na kumukuha umano ng bata sa probinsya.

Hindi lang dito sa lalawigan ng Pangasinan ang mayroong mga ganitong lumalabas na balita dahil kumakalat na din ito sa ilang bahagi ng bansa dahil sa pagdami ng mga naniniwala dito online.

Ayon kay PCpt. Socorro F. Arciaga, Officer-in-Charge Public Information Officer at Chief ng Family Juvenile Gender and Development Office/ Internal Affairs Service na ito ay Fake news dahil wala pa aniya silang natatanggap na mga sumbong o ulat mula sa mga Police Station sa lalawigan.

--Ads--

Saad pa nito na, mayroon naman aniyang mangilan-ngilan ulat na may mga nawawalang bata sa lalawigan ngunit nakakabalik din agad sa kadahilanan na hindi lamang pala nakapagpaalam sa magulang ngunit wala naman ito aniya kinalaman hinggil pagdukot ng hinihinalang van.

Dagdag nito na nabahala aniya sila sa isang unvalidated post sa social media sa bayan ng Binmaley kaya agad nila itong tinutukan ngunit batay sa kanilang isinagawang balidasyon ay hindi naman napatunayan na may nawawalang bata o kahit pagkakakilanlan ng van na umano umaaligid na kumukuha ng bata dahil nagsagawa sila ng back tracking sa mga cctv na posibleng daanan ng naturang sasakyan ngunit wala itong katotohanan base sa kanilang imbestigasyon.

Kaugnay nito na nagpaalala si Pcpt. Arciaga na iwasang mag-share o magpakalat ng mga balitang wala namang katotohanan na hindi pa napapatunayan dahil ito’y nagdudulot ng pangamba at takot sa mga kabataan at magulang.

Ipinaliwanag naman nito na sa ilalim aniya ng Revise Penal Code as amended by Section 18 Article 154 under RA. 10591 ay maaring makulong ang isang tao na nagpapakalat ng fake news o maling impormasyon ng 1 month to 6 months sa pamamagitan ng “arresto mayor” at may penalty ng nasa 40 to 200 thousand pesos.

Panawagan naman nito sa publiko na maging mapagmatyag at alerto dahil kung may nakitang kahina-hinala sasakyan sa kanilang nasasakupan ay agad isumbong sa himpilan ng kapulisan malapit sa lugar upang agad na maaksyunan.

Gamitin aniya ang mga selpon upang kunan ng litrato ang plaka o video ng pinaghihinalaang puting van o sasakyan para maipakita sa kapulisan bilang ebidensya upang sa gayon ay makapagsagawa sila ng nararapat na imbestiga