Naglunsad ng mga airstrike sa grupong Houthi na suportado ng Iran sa Yemen ang US Militar na tumama sa 15 target.
Sinabi ng Pentagon na gumamit ito ng mga sasakyang panghimpapawid at barkong pandigma upang ilunsad ang mga pag-atake na layong “maprotektahan ang kalayaan sa paglalayag”.
Ilang pagsabog ang naiulat sa ilang pangunahing lungsod ng Yemen, kabilang ang kabisera ng Sanaa.
--Ads--
Mula noong Nobyembre, ang mga Houthis ay naglunsad ng mga pag-atake sa humigit-kumulang 100 mga barko sa Red Sea, na nagpalubog ng dalawang barko.
Sinabi ng rebeldeng grupo na ang mga pag-atake ay paghihiganti para sa kampanyang militar ng Israel sa Gaza.