Dagupan City – Ang binitawang pag-withdraw ni US President Joe Biden sa 2024 US Presidential Election ay inaasahan na ng mga residente sa Estados Unidos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Gabriel Ortigoza, Bombo International News Correspondent sa USA, makikita din sa debate na mahina na ang pangulo, ngunit hindi ito nangangahulugan na walang saysay ang mga binitawang mga sagot ng pangulo sa nangyaring debate kamakailan.

Sa inilabas din kasing mga kritiko ng mga Political Analyst, direktang nasagot ni Biden ang mga katanungan ngunit ang naging problema lamang ay kung paano niya ito ipahayag.

--Ads--

Ayon kay Ortigoza, isa naman sa nakikita nilang dahilan kung bakit nagbitiw ang pangulo sa kandidatura ay ang mahina na ring pangangatawan at baka hindi nito kayanin pa ang campaign period.

Samantala, nakikita naman si US Vice President Kamala Harris na tatapat kay Trump, dahil sa malinis na record at ang pagiging maayos nito sa mga foreign relations.

Si Harris ay isang abogado, kauna-unahang black american na naging bise sa bansa at tumatak bilang alagad ng batas. Inendorso rin ito ni Biden sa mga democrat bilang kakatawan na kanilang representate.