Tinanggal na ng US ang Syria sa listahan ng state sponsors of terrorism matapos ang 47 taon.
Ayon kay US Secretary Of State Marco Rubio na hakbang ay bilang pagkilala sa gobyerno ng Syria sa dumistansiya sa anumang hakbang ng terorismo.
Kasama na rin na tinanggal sa listahan ng US global terrorist organization ang Hayat Tahrir al-Sham (HTS).
--Ads--
Ang HTS o dating kilala bilang al-Nusra Front ay affiliate ng al-Qaeda sa Syria hanggang Sharaa ay may ugnayan sa jihadist network noong 2016.
Kinilala din ng Trump administration ang hakbang ng bagong pangulo ng Syria na si Ahmed al-Sharaa na labanan ang terorismo.
Naniniwala si US Treasury Secretary Scott Bessent na ang nasabing hakbang ay makakatulong para mapaunlad ang ekonomiya ng Syria.










