Dagupan City – Tiniyak ng secret service sa Estados Unidos na nakabantay ang mag ito 24/7 sa white house.
Ito’y sa kabila ng dulot na alarma ng seguridad sa nangyaring shooting incident sa ‘armed confrontation’ malapit dito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual – Bombo International News Correspondent, Oregon, USA, kahina-hinala kasi umano ang 27-anyos na lalaki matapos na mapag-alaman na siya ay may motibong mag-suicide.
Ngunit paglilinaw ni Pascual, bago pa man makapunta ang lalaki malapit sa white house, nagsagawa na ng pagmamanman ang mga intelligence agencies. Dito na napag-alaman na mayroon pala itong mental problem at nagpakita ng suicidal tendencies.
Hanggang sa nakarating na nga ang lalaki malapit sa white house at dito na nito tunutok ang baril sa kaniyang sarili, ngunit kalaunan ay itinutok niya rin ito sa mga pulis. Dahil dito, agad na nagpalitan ng putok ang dalawang panig at dito na tinamaan ang suspek.
Sugatan ang lalaki at siya ay agad dinala sa ospital upang malapatan ng lunas. Wala namang sinumang nasugatan mula sa Secret Service o ibang tao sa lugar ng insidente.
Nilinaw din ng white house na wala si US President Donald Trump sa lugar nang maganap ang insidente.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang DC Metropolitan Police Internal Affairs Division Force Investigation team upang alamin ang mga detalye ng insidente. Ayon naman sa awtoridad, mahalaga ang pagiging responsable sa paghawak ng baril, lalo na sa mga ganitong uri ng sitwasyon.