“All hell to pay”

Ito ang pagbabanta ni US President-elect Donald Trump sa Hamas kung hindi mapalaya ang mga hostage sa Gaza sa oras na maupo muli ito sa White House sa January 20, 2025.

Sa social media post niya, wala man siyang binanggit na pangalan subalit labis aniyang mananagot ang mga responsable lalo na sa pagdakip ng mga hostage.

--Ads--

Pinasalamatan naman ni Israeli President Benjamin Netanyahu si Trump sa mga pahayag nito.

Tinugunan naman ito ni senior Hamas official Basem Naim na sinabotahe umano ni Netanyahu ang mga ginawang hakbang upang matiyak ang kasunduan na may kinalaman sa palitan ng mga bihag para sa mga Palestinian prisoners na hawak ng Israel.

Gayunpaman, naiintindihan umano nila na ang mesahe ni Trump ay para kay Netanyahu at sa gobyerno nito upang mawakasan na ang gyera.