Naniniwala ang mga eksperto sa Amerika na maacquit si US president Donald Trump dahil sa kawalan ng mga ibidensya laban sa kanya.
Ayon kay Bombo Correspondent Rufino Pinoy Gonzales na nakabase sa Amerika, nakakatakot ang ginawa ng mga democrats prosecutors na humarap silang walang ibidensya. Pabiro pa niyang sinabi na mas matalino pa umano ang mga abogado sa bansa kaysa sa mga democrat prosecutor sa America.
Nabatid na hinarang ng mga Republicans na supporters ni US president Donald Trump ang hirit ng mga democratic prosecutors.
Ayon kay Gonzales, gusto sanang kontrolin ng mga Democrats ang proceedings ng hearing ng impeachment pero hndi nangyari dahil kontrolado ng mga Republicans ang senado. Ang nais sana daw ng panig ng democrats na tatagal ang hearing ng ilang buwan hanggang sa sumapit ang eleksyon.
Sa huli, nabuo sa senado ng America ang pagpapatibay ng ground rules na siyang magsisilbing basehan sa impeachment trial laban kay US President Donald Trump.
Ipinaliwanag ni Gonzales na ang act of impeachment acts sa Amerika ay katulad umano sa Pilipinas na kailangan ay may ginawang krimen ang isang presidente.
Pero wala naman umanong nagawang krimen o pang aabuso si Trump. Walang criminal acts ang ginawa bagkus sila sila lang ang gumawa ng ibang impeachable offense na hindi naayon sa konstitusyon ng Amerika.
Dagdag pa ni Gonzales na hindi nanalo ang resolusyon ng mga democratic prosecutors na ipatawag ang mga tao ng presidente dahil hindi nila ito ginawa noon sa kongreso sa kanilang impeachment hearing.
Nabatid na inabot ng record breaking na 13 oras o hanggang madaling araw ang mainit na balitaktakan ng mga Democrats, Republicans at ang defense lawyers ni Trump. Ang mga Republicans na supporters ni Trump kung saan kontrolado ang Senado ay hinarang ang hirit ng mga Democratic prosecutors na dagdagan pa ang mga testigo.