DAGUPAN CITY– Nagbabala si US President Donald Trump na maaaring umatras ang Estados Unidos sa negosasyon para sa kapayapaan sa pagitan ng Russia at Ukraine kung magpapatuloy ang kawalan ng progreso sa mga usapan.

Inihayag ni Trump na nais niyang matapos agad ang digmaan ngunit kung maging mahirap ang sitwasyon, aniya ay aatras na lamang ang Estados Unidos sa negosasyon.

Maaalalang nagsimula ang full-scale invasion ng Russia sa Ukraine noong 2022 at hanggang ngayon ay hindi pa natatamo ng dalawang bansa ang total peace.

--Ads--