Nagbigay ng babala si US President Donald Trump sa mga TV network sa Estados Unidos na babawiin nito ang kanilang mga prangkisa kung patuloy na maglalabas ng negatibong balita laban sa kanya.
Ito’y kasunod umano ng pambabatikos ng isang sikat na TV host at komedyante sa Amerika na si Jimmy Kimmel, kung saan sinabi nito na ginagamit lamang umano ang pagkamatay ni ring-wing activist Charlie Kirk para sa layuning politikal.
Pinabulaanan naman ni Kimmel ang akusasyon at sinabing hindi makatao ang naging reaksyon ng presidente, na ginamit ang pagkakataon para i-promote ang bagong ballroom ng White House imbes na ipakita umano ang tunay na pagdadalamhati.
Sa gitna ng kontrobersya, pinuri naman ni Trump ang pagkakasuspinde ni Kimmel.
Kaugnay nito nagbabala rin ang FCC Chair Brendan Carr na iimbestigahan ang pahayag ni Kimmel, bagay na ikinabahala ng mga grupo ng mga mamahayag.
Samantala, mahigit 150 katao ang nagprotesta sa labas ng studio ng “Jimmy Kimmel Live” bilang suporta sa komedyante at upang kondenahin ang umano’y pagpapatahimik sa malayang pananalita.
Mariing kinondena ng mga artista, manunulat, at dating Presidente ng Estados Unidos na si Barack Obama ang suspensyon ni Kimmel.