Nagpapatuloy ang administrasyong Trump sa imbestigasyon sa pag-aangkat ng gamot at semiconductor, ayon sa Federal Register.

Kung saan maaaring magresulta ito sa paglalagay ng taripa sa dalawang sektor dahil sa isyung pambansang seguridad.

Nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Vietnam na makiisa laban sa “unilateral bullying” para mapanatili ang malayang kalakalan at supply chains.

--Ads--

Layon ng kanyang pagbisita sa Timog-Silangang Asya na palakasin ang ugnayan sa rehiyon matapos patawan ng malaking taripa ng U.S. ang mga inaangkat mula Tsina.

Nagbabala naman ang International Monetary Fund na ang tensyong geopolitikal gaya ng trade war ay maaaring magdulot ng kaguluhan sa pamilihang pinansyal.

Kasalukuyang hindi matatag ang mga pandaigdigang merkado dahil sa pangamba ng mga mamumuhunan sa epekto ng trade war.