Dagupan City – Binigyang diin ni US President Donald ang Ceasefire sa Ukraine laban sa Russia sa isinagawang pulong nina Trump at Ukraine President Volodymyr Zelensky.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa Oregon, USA, naging mainit umano ang naging pag-uusap nina Trump at Zelensky sa White House para sana pumirma ng mineral deal sa US.
Sa naging usapan kasi aniya, binigyang diin ni Trump ang ceasefire deal, ngunit tinutulan ito ni Zelensky dahil aniya, hindi ito ang lumalabas na layunin ni Russian President Vladimir Putin.
Isa naman sa nakikita ni Pascual, kung bakit nagkaroon ng tensyon ay masiyadong naging mapagmataas si Zelensky at hindi ito tumutugma sa layunin ni Trump na Ceasefire.
Sa katunayan ani Pascual, nakapagbigay na ang US ng billions of dollars sa Ukraine ngunit wala man lang nakikitang utang na loob ang mga ito kahit pa ang pinag-uusapan ay ang kapayapaan at kapakanan ng kanilang mga residente.
Matatandaan na sinabi ni Trump si hindi man lamang umano nagpasalamat ang Ukrainian President sa mga tulong na naibigay ng US kahit na ang ikinampanya nito sa nagdaang US Election ay ang katunggali ni Trump na si dating US Vice President Kamala Harris.
Dahil rin sa naging tensyon sa loob ng Oval Office ay hindi na natuloy ang news conference ng dalawang lider ng bansa at maging ang nakatakda sanang pirmahan ng mineral deal.