Binantaan ni US President Donald Trump ang Colombia na kanilang isusunod na atakihin matapos ang pag-atake sa Venezuela.
Inakusahan pa ni Trump si Colombian President Gustavo Petro na isang may deperensya sa pag-iisip na gumagawa ng cocaine.
Dagdag pa ni Trump na hindi na magtatagal ang ganitong ginagawa ni Petro.
--Ads--
Sa panig naman ni Petro ay hindi umano ito nababahala sa banta ni Trump.
Magugunitang nagsagawa ng military operation ang US sa Venezuela na nagresulta sa pag-aresto kay Maduro at asawang si Cilia Flores sa Caracas, Venezuela.










