Isinasagawa ang isang mahalagang pagpupulong sa pagitan nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin sa Alaska, upang talakayin ang patuloy na digmaan sa Ukraine.
Inaasahan sana na magiging pribado o one-on-one ang kanilang pagpupulong, ngunit kalaunan ay sinamahan sila ng mga matataas na opisyal mula sa parehong panig ng US at Russia.
Samantala, sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na hindi siya inimbitahan sa nasabing summit.
Ayon sa kanya, “umaasa ang Ukraine sa Amerika” at wala pa raw “anumang senyales” na naghahanda ang Russia na tapusin ang digmaan.
Malalim pa rin ang agwat sa pagitan ng mga layunin ng Ukraine at Russia kaugnay ng posibleng pagtatapos ng digmaan.
Nanatili namang tanong kung magtatagumpay si Trump sa kanyang layunin sa negosasyon.