BOMBO DAGUPAN -Mainit na sinalubong at binati nina US president Joe Biden and VP Kamala Harris sina Evan Gershkovich, Paul Whelan, at Alsu Kurmasheva na lumaya sa nangyaring pinakamalaking prisoner’s swap sa pagitan ng US at Russia.

Naging emosyonal din ang pamilya ni Gershkovich na nag hintay ng 491 days para sa kanyang kalayaan.

Pinasalamatan ni Biden ang kanyang mga kaalyado na patuloy na sumusuporta sa kanyang administrasyon.

--Ads--

Sinabi naman ni Harris ang kaganapang ito ay pagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon ng presidente na nakakaunawa sa kapangyarihan o lakas ng diplomasya.

Umani ng positibong reaksyon mula sa maraming lider ng iba’t-ibang bansa

Ang makasaysayang prisoners swap ay kinabibilangan ng pagpapalaya ng 24 detainees mula sa Russa.

Si Gershkovich ay inaresto matapos na akusahang ispiya ng CIA habang si Whelan ay may nakaaway na pulis sa Russia at binantaan umano ang buhay nito.