BOMBO DAGUPAN – Hindi aatras si US President Joe Biden sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Ginawa ng White House ang pahayag kasunod ng lumabas na usapin na nagkakaproblema ang US President sa kaniyang kalusugan.

Sinabi ni White House press secretary Karine Jean-Pierre na walang balak si Biden na umatras sa laban at magpapatuloy sila sa kampanya.

--Ads--

Pinulong na rin ni Biden 23 Democratic governors para matiyak ang kaniyang panalo.

Matatandaan na napansin ng marami ang mahinang kalusugan ni Biden ng magharap sila ni dating US President Donald Trump sa isang debate kung saan hinamon pa siya na malaro ng golf.