Nagsagawa ang US ng airstrikes laban sa ISIS na nagtatago sa Syria.
Ang nasabing insidente ay tinawag nilang “Operation Hawkeye Strike”.
Ayon sa US Central Command (CENTCOM) Force, na kasama nila sa operasyon ang ilang mga partner forces nila.
Nagpakawala ang US ng mahigit na 90 precision munitions na tumama sa 35 targets gamit ang mahigit na 20 eroplano.
Ang “Operation Hawkeye Strike” ay ipinangalan sa dalawang sundalong naapatay mula sa “Hawkeye State” ng Iowa na nagsimula noong Disyembre 19, 2025.
Ito ay bilang pagganti sa isinagawang pamamaril ng ISIS gunman sa Palmyra, Syria na ikinasawi ng dalawang sundalo ng US at isang sibilyan na interpreter.
Ilang daang sundalo ng US ang nakatalaga sa Syria bilang bahagi ng misyon nila na labanan ang ISIS na nagsimula ng angkinin ng ISIS ang malaking bahagi ng Syria at Iraq noong 2010.










