Nagpatupad ang Estados Unidos ng mas mahigpit na seguridad matapos ang panibagong pag-atake ng Iran sa isang base militar ng Amerika. Ayon sa mga ulat, na-intercept ang mga inilunsad na pag-atake at walang naiulat na direktang pinsala sa target na pasilidad.
Ayon kay Marissa Pascual ng BINC USA, naglabas na ng mga babala ang pamahalaan ng Estados Unidos sa mga residente sa mga lugar na maaaring maapektuhan kung magkakaroon ng panibagong pag-atake. Nananatili ring nakaalerto ang mga awtoridad habang inihahanda ang posibleng tugon.
Sinabi ng mga political analyst na nananatiling magkaiba ang paninindigan ng Estados Unidos at Iran sa ilang mahahalagang usapin, kabilang ang mga panukalang pangkapayapaan. Samantala, umaasa ang ilang Iranian na naninirahan sa Amerika na matatapos na ang umiiral na sigalot.
Patuloy ding binabantayan ng pamahalaan ng Estados Unidos ang epekto ng tensyon sa ekonomiya, lalo na sa presyo ng produktong petrolyo. Sa ngayon, nananatiling nakaalerto ang bansa habang hinihintay ang mga susunod na hakbang ng Iran.










