DAGUPAN CITY- Sa maagang hindi na magandang lifestyle ang naging sanhi ang pagdami ng bilang ng mga batang may kaso ng chronic kidney disease (CKD) sa Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Glenn Sorianom US Doctor & Natural Medicine Advocate, ang pagkain ng mga junk foods at hindi mabuting lifestyle na makakaapekto sa kidney sa murang edad at nagpatuloy ang ganitong gawain ang nagdudulot ng naturang sakit sa isang bata.
Aniya, sa unang mga taon ay hindi nararanasan ang mga sintomas nito subalit, habang tumatagal ay nagkakaroon na ito ng epekto sa katawan.
Ang CKD ay kilala rin bilang kidney failure kung saan ay hindi gumagana ang natural filters ng kidney at unti-unti naiipon ang dumi na naglalagay ng lason sa dugo ng isang tao.
Ayon kay Dr. Soriano, kadalasang sintomas nito ay pagkakaroon ng nausea vomiting, kawalan ng gana na kumain, pagkapagod, paghihina, may ilang kaso na hirap makatulog, kawalan ng focus, pagdalas o madalang ang pag-ihi, at kinakati ng balat at dryness.
Kadalasan na pinagmumulan nito ay ang pagkakaroon ng diabete altapresyon ng isang tao dahil hindi nagkakaroon ng tamang blood flow.
Maaari naman ito maiwasan, depende sa matutukoy na risk factors. Halimbawa na lamang ang pagkakaroon ng diabetes ay ang pagbabantay sa blood sugar ng isang tao.
Kasama rin sa risk factors ang pagkain ng mga hindi magagandang pagkain at lifestyle.
Gayunpaman, inaabisuhan ni Dr. Soriano ang mga tao na maaaring nakkaranas nito na magdako na sa malapit na pagamutan at magpa-check up.
Nakadepende rin naman ang paggamot nito sa kung gaano na kalala ng sakit.
Kung saan ang nasa 3rd-5th stage ay kinakailangan ng pagsailalim sa dialysis o di naman ay kidney transplant.
Habang ang naunang stage ay ‘treatable’ pa.