Pumanaw na ang civil rights pioneer at Baptist minister na si Reverend Jesse Jackson sa edad 84.

Kinumpirma ito ng kaniyang kaanak subalit hindi na nagbigay pa ng anumang dahilan ng kamatayan nito.

Noong Nobyembre ng nakaraang taon kasi ay dinala ito sa pagamutan dahil sa progressive supranuclear palsy (PSP) na nakakaapekto sa paglakad nito.

--Ads--

Taong 2017 ng ma-diagnosed din siya ng Parkinson’s disease.

Isinilang sa Greenville, South Carolina kung saan sumikat siiya sa pagiging aktibista.

Naging malapit siya kay Dr. Martin Luther King at kasama pa siyang nagmartsa sa mga protesta.

Tumakbo ito sa pagka-pangulo noong 1984 at 1988 subalit natalo siay.

Inilunsad niya noong 1984 ang National Rainbow Coalition na kritiko ni US President Ronald Reagan.

Noong 1999 ay tumulong si Jackson para mapalaya ang tatlong US servicemen na dinukot sa Yugoslavia kaya binigyan siya ni President Bill Clinton ng Presidential Medal of Freedom.