Dagupan City – Nanantiling dikit at mainit ang laban nina Democrat Representative Vice President Kamala Harris at Dating US President Donald Trump sa nagaganap na 2024 US Election.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Maria Luna Orth, Bombo International News Correspondent sa USA, walang mintis bawa’t oras na minomonitor ng mga bawa’t partido ang lumalabas sa poll survey. Kung kaya’t ganoon na lamang din aniya ang gitgit at patuloy na pangangampanya ng bawa’t partido para makuha rin ang pulso ng 7 Swing states sa bansa.

Kapag nangyari kasi aniya na makuha ang swing states ng isang panig ay awtomatiko na itong maitatalaga o landslide. 
Gaya na lamang ng posibilidad na kapag nakuha ang boto sa Pennsylvania, Arizona at Nevada, maaaring mananalo na rin ang isa sa mga ito.

--Ads--

Malaking impact naman aniya ang ginawang pagtawag ni US President Joe Biden na “garbage” sa supporters ni Trump upang mas lalong paigtingin pa ang suporta sa kaniya.

Isa naman sa kinokonsidera ng mga botante sa bansa partikular na rin ang mga Filipino Community doon ay ang mga platapormang tumtutuok sa Ekonomiya at nangyayaring giyera sa iba’t ibang bansa gaya na lamang ng Hamas VS. Israel at Ukraine vs Russia. 

Samantala, ayon naman kay Gabriel Ortigoza, Bombo International News Correspondent sa USA, sa Ohio malaking impact ang ginawang pangangampanya ng mga sikat na artist gaya na lamang ni Taylor Swift.

Kung saan, isa sa mga nakikitang supporters umano ng ineendorso ni Swift na si Harris ay mga kabataan. Kung kaya’t inaasahan din ang pagpapalit ng mga dating estado ng kulay o ihahalal.

Sa kabila naman ng banta ng pananakot, kaguluhan at pagsusunog ng mga balota sa bansa ngayong election, tiniyak naman ni Ortigoza na ang mga napaulat na ganito ay nadismissed na rin sa kanila kung kaya’t bantay sarado na rin ang proseso ng eleksyon sa bansa.

Kung halimbawa naman na nag-tie aniya ang resulta, ilalapit na umano ang desisyon sa lower house upang magdecide kung sino ang mananalo.

Samantala, kung aanalisahin naman aniya ang proseso ng eleksyon sa America, malayo ito sa bansa at malabo ring maipatupad dahil sa mga nakaupo sa pwestong mag-aapruba ng patakaran.