DAGUPAN CITY – Sinuspende ng Office of the President sa Malacañang ng tig isang taon sina Mayor Julio ‘Rammy’ Parayno III at Vice Mayor Jimmy Parayno sa kasong grave misconduct at grave abuse of authority.
Ang desisyon ay pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Enero 3, 2025 kaugnay sa administrative complaint na inihain ni Michael Brian Perez, dating Punong Barangay ng San Vicente at Liga ng mga Barangay President sa Urdaneta City.
Inilabas ang desisyon kahapon, Enero 7, 2025, ng Dept. of Interior and Local Government o DILG na siyang inaatasan para ipatupad ito.
Si Mayor Julio Parayno at Vice Mayor Jimmy Parayno ay administratively liable for grave misconduct at abuse of authority na mayroong suspension from office na 6 na buwan bawat isa, na may kabuuang 12 months o 1 year.
Matatandaan na nag-ugat ang adminstrative complaint ni Perez dahil sa pagtatanggal sa kanya bilang Liga ng mga Brgy President at ex-officio member ng Sangguniang Panlungsod ng Urdaneta.