DAGUPAN, CITY – Pinabulaanan ni Urdaneta City Mayor, Julio F. Parayno III ang isyung siya umano ay kinasuhan ng plunder at korapsyon.

Ayon kay Parayno, walang katiwaliang nagaganap sa kaniyang pamumuno sa nabanggit na lungsod.

Kamakailan ay nag-anunsyo si Parayno sa isang pagpupulong na siya ay nag-file umano ng kaniyang leave of absence.

--Ads--

Ang nasabing anunsyo ay umani ng sari-saring haka-haka at konotasyon na may hidwaan sila umano ni Pangasinan Governor Ramon “Mon-Mon” V. Guico III.

Kaniya ring nilinaw na wala katotohanan ang nabanggit na usapin at maayos naman aniya ang samahan nila ng gobernador.

Mensahe naman ni Parayno, bagaman siya ay kasalukuyang naka-leave, “in-control” pa rin umano ito at patuloy ang kanyang trabaho upang patuloy na maging progresibo ang lungsod. (with reports from: Bombo Ahrjay Gelo)