Malapit nang matapos ang isinasagawang Urdaneta bypass road na proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay DPWH Sec. Mark Villar, nasa isang ektarya na lamang umano ang kanilang kailangang tapusin sa naturang bypass road.

Dagdag nito na plano rin nilang magkaroon pa ito ng extension na siyang idudugtong sa Tarlac – Pangasinan – La Union Expressway (TPLEX).

--Ads--
Voice of DPWH Sec. Mark Villar

Samantala, upang maramdaman naman umano ng publiko ang kagandahang epekto ng Build Build Build program ng gobierno, nais nilang tapusin ang lahat ng mga nakabinbing proyekto sa loob ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.