BOMBO DAGUPAN- Isang update umano ng isang cybersecurity client na Crowdstrike ang pinagmulan ng nangyaring malawakang IT Outage.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Wilson Chua, Managing Director at Co-Founder ng Bitstop Incorporated, ang Crowdstrike ay may installabe agent sa kernel level na kung tawagin ay Falcon Sensor. Ito aniya ay nagmimistulang anti-virus sa isang personal computer.

Ito ay may hawak na halos 24,000 worldwide clients, kabilang na ang airlines at financial services. At batay umano sa hindi pa nakukumpiramng report, kabilang din sa mga kliyente ay ang Social Security Services at Bureau of Internal Revenue.

--Ads--

Ani Chua, kaakibat din ng gobyerno ng Estados Unidos ang nasabing kumpanya sa pagmonitor ng mga North Korean Hackers. Sila din umano ang unang nagtawag pansin sa isang interference sa US Election.

Aniya, ang inilabas na update ng Crowdstrike ang naging sanhi ng paglabas ng “blue screen of death” kung saan magdudulot naman ito ng paulit-ulit na pagreboot ng isang pc device.

Gayunpaman, hindi umano ito ang kauna-unahang nangyari kaugnay sa naturang insidente.

Samantala, ayon kay Chua, upang maibalik sa dating operasyon ang natamaang device ng outage, kailangan mag-boot sa safe mode.

Ito ang magdadala sa isang user sa system drivers ay i-rename ang isang C:\ file at palitan ito ng back-up file.

Sa pamamaraang ito, mapipigilan umanong magkaroon ng access si Crowdstrike sa naturang file at magtutuloy na ang naturang device sa pag-reboot nito.

Subalit, batay kay Crowdstrike, hindi ito ang solusyon sa ibang device na napabilang sa Outage.

Gayunpaman, ito lamang ang maaaring gawin upang marecober ang isang device.

Sa kabilang dako, kaakibat naman ng nangyaring insidente ang pagkawala ng tiwala ng mga user sa Crowdstrike.

Maaaring maging sanhi ito ng pagkawala ng mga kliyente ng nito ay lumipat sa ibang anti-virus service.