Dagupan City – Kinilala ang mahalagang ambag ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon kay Atty. Oscar Orbos, isa sa mga outstanding alumni of the UP school of Economics ang kanilang mahalagang sakripisyo sa bansa ay nagpapakita lamangng kanilang pagiging modernong bayani.
Dito na niya binigyang diin na dapat pairalin ang spirit of solidarity and unity sa gitna ng kasalukuyang krisis.
Batay sa kanyang mahigit 30 taong karanasan sa serbisyo publiko, nakita nito aniya ang malaking papel ng mga OFW sa pagpapatatag ng ekonomiya ng bansa.
Aniya kung wala ang mga OFW, mahihirapan ang Pilipinas dahil sila ang patuloy na nagsasalba sa ekonomiya ng bayan.
Dito na niya ipinaliwanag na ang remittances o padala ng mga OFW mula sa iba’t ibang panig ng mundo ay nagsisilbing mahalagang sandigan ng ekonomiya, lalo na sa panahon ng pandaigdigang krisis.










