BOMBO DAGUPAN- Naging matagumpay umano ang isinagawang unity walk ng ilang transport group sa buong bansa ngayon araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Liberty De Luna, Presidente ng Alliance of Concerned Trasport Organization (ACTO), naging mapayapa man ang kabuoan ng kanilang aktibidad subalit nagkaroon lamang sila ng kaonting problema patungong Malakanyang.
Aniya, ito ang kanilang pamamaraan upang ipakita ang saloobin ng kanilang hanay kaugnay sa pagsuspinde pansamantala ng senado sa Public Utility Vehicle Modernization Program matapos ang kanilang pagsunod.
Giit nito na ang hindi pagtagumpay ng isang kooperatiba ay hindi nangangahulugang pankalahatan ito kundi nasa kamay lamang ng isang management.
At kung nagkakaproblema man sa programa ay dapat ayusin ito at hindi suspindihin.
Kaya aniya, dapat lamang pakinggan sila ngayon ng senado dahil sila ang may pinakamaraming populasyon na maaaepktuhan kumpara sa mga natitirang hindi nakiisa sa programa.
Dapat maging patas umano ang senado dahil nagawa nitong pakinggan ang Manubela noong kasagsagan ng pagpapatupad ng programa.
Sa tingin kase ni De Luna ay pumapabor sa iisang panig ang senado ng walang maayos na imbestigasyon.
Kaugnay nito, pinakinggan aniya ng kongreso ang kwento ng Manubela sa nakaraang pagdinig subalit hindi naman binigyan ng pagkakataon ang kanilang panig na magsalita.
Gayunpaman, nagpapasalamat siya sa patuloy na suporta ng presidente sa programa.
Ayon kay De Luna, dapat nang ipagpatuloy ang programa dahil nahuhuli na ang Pilipinas sa modernization ng mga pampublikong transportasyon.
Kinakailangan na din ng bansa ang mas malinis na mga sasakyan kung saan hindi makakaapekto sa kalusugan at polusyon.