Nagbigay ng babala ang isang eksperto ng United Nations o UN dahil sa lumalalang gang violence sa bansang Haiti kung saan ay nagdudulot ito ng labis na takot sa mga mamamayan ng bansa.

Ayon sa isang eksperto ng UN na si William O’Neill, nasa karera laban sa oras ang bansang Haiti dahil sa lumalawak na kontrol ng mga gang sa Port-au-Prince, ang ininuturing na sentro ng nasabing bansa.

Sa ngayon ay nasa mahigit 80% ng lungsod ang nasa ilalim ng kontrol ng mga criminal gang, na nagdudulot ng labis na pagkatakot sa mga tao, kung saan ang mga kriminal ay gumagamit ng physical at sexual violence upang kontrolin ang mga tao.

--Ads--

Kaugnay sa balitang ito, sa kabila ng presensya ng international security mission, patuloy pa rin ang pagpasok ng mga armas sa bansa.

Sa kasalukuyan ay nasa 700,000 ang mga taong napilitang lumikas dahil sa karahasan, kung saan halos limang milyong Haitiano na ang humaharap sa matinding kagutuman.