Mga kabombo! Isa ka ba sa mga naghahanap ng trabaho?
Unemployed pero ayaw matawag na unemployed?
Ano ang kaya mong gawin para matawag ka sa employed data ng inyong bansa?
Tila kakaiba kasi ang naging nakasanayang gawin sa bansang China.
Ayon sa ulat, tila kakaibang trend ang lumalaganap ngayon sa bansa kung saan ilang kabataang walang trabaho ang nagbabayad sa mga pekeng kompanya para lang magkunwaring may opisina silang pinapasukan, kahit wala silang sahod?
Sa halagang 30 hanggang 50 yuan bawat araw o katumbas ng P230 hanggang P380, puwede nang “magtrabaho” sa mga pekeng office space na may libreng computer, Wi-Fi, at canteen.
Ang ilan ay nagbabayad pa ng dagdag para sa mas makatotohanang “work experience” kung saan may pekeng work meeting at pekeng boss.
Ayon sa mga ulat, dumarami ang ganitong serbisyo sa mga malalaking siyudad tulad ng Beijing, kasabay ng tumataas na unemployment rate sa mga kabataan.
Iba-iba ang dahilan ng mga sumasali rito:, may naghahanap ng murang tambayan, at may umaasang makatutulong ito para makahanap ng trabaho balang araw.
Bagama’t tila kakaiba at nakakatawa para sa ilan, sinasalamin ng trend na ito ang pressure ng modern work culture sa bansa, na kahit sa kawalan ng trabaho, may mga kabataang pipili pa ring “magkunwaring” may pinagkakaabalahan kaysa manatili sa bahay.