Mga kabombo! Nakakita ka na ba ng taong nagcha cha-cha? Eh paano kung cha-cha sa ilalim ng dagat?
Ito kasi ang tunay na pang world class na record! Kung saan, sa loob ng halos 20 taon wala pang nakaka-break ng rekord!
Ayon sa ulat, mula nang itinanghal ang pinakamalaking underwater dance class sa kasaysayan—wala pang nakakahigit dito!
Kung saan, taong 2006, 74 na mananayaw ang bumaba sa ilalim ng tubig, gamit ang scuba gear at oxygen tanks, upang magsayaw ng cha-cha sa loob ng 13 minuto at 30 segundo sa Sydney Olympic Park Aquatic Centre sa Australia.
Pinangunahan naman ito ni Jason Feddersen, isang Australian scuba diving instructor na mahilig din sa sayaw.
Bukod sa pagiging isang Guinness World Record holder, ginamit din ni Feddersen ang event para mag-fundraising para sa Canteen, isang organisasyong tumutulong sa mga kabataang may kanser.
Sa tulong naman Abyss Scuba Diving at ilang dance schools, napagtagumpayan ng grupo ang record-setting event.