Dagupan City – Magandang panimula ang ‘unconditional discharge’ kay US President-elect Donald Trump sa kaniyang muling pag-upo bilang pangulo sa USA.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Arnedo Valera, Bombo International News Correspondent sa USA, nangangahulugan kasi ito na ang pamahalaan ng Amerika ay may nakitang pataw na nagkasala talaga ang akusado ngunit nakadepende ito sa bigat na kaniyang kinakaharap.

Kung saan, lumalabas na si Trump ay hindi nakagawa ng anumang marahass o mabigat na kaso kung kaya’t hindi siya makukulong at palalayain nang walang anumang kapalit o kondisyon ngunit nanatili pa rin itong convicted.

--Ads--

Ipinaliwanag din ni Valera na ang unconditional discharge ay ipinapataw sa mga nagkasala na mayroong magagaang kaso gaya na lamang sa mga menor de edad o kung tawagin ay kaso na hindi kapaki-pakinabang.

Kaugnay nito, kung papansinin naman ang ipinapakitang aksyon ni Trump, mapapansin na sumusunod ito o nakikiisa sa mga pagpapatawag ukol sa imbistigasyon na kaniyang kinakaharap at hindi rin ito nagpapakita ng anumang pagsisisi o remorse sa kaniyang pagkakahalal bilang pangulo, ngangahulugan na iginagalang nito ang demokrasya ng bansa.

Si Trump ang kauna-unahang presidente na nagkaroon ng conviction na papasok o babalik bilang pangulo ng Estados Unidos.

Matatandaan na hinatulan si US President -elect Donald Trump ng unconditional discharge dahil sa kaniyang conviction noong nakaraang taon ng 34 counts ng business fraud.