BOMBO DAGUPAN – Isinagawa ang unang US Presidential debates para sa 2024 sa pagitan nina US pres. Joe Biden at former pres. Donald Trump.

Kabilang sa tinalakay nila ang ekonomiya kung saan ang dalawang naglabas ng saloobin ukol sa usapin sa ekonomiya ng Amerika.

Ang dalawa ay kapwa naglatag kung papaano niya pagbubutihin ang ekonomiya pag naging pangulo ng bansa.
Naging sentro rin ng talakayan ang usaping deborsyo kung saan ipinagtanggol ni dating Pangulong Donald Trump ang mga paghihigpit sa pagpapalaglag.

--Ads--

Kanyang inilatag ang kanyang vision o pananaw para sa reproductive rights sa America.

Iginiit niya ang tanging exemption para sa abortion ay sa mga kasong rape, incest at kung kailangan n a isalba ang buhay ng ina.

Sa kabilang dako, iginiit ni Biden ang pangangailangan na mabigyan ang mga mamamayan lalo na ang mga kababaihan na magdisisyon ukol dito

Natanong din ng dalawa ukol sa kanilang edad at kalusugan.

Para kay Trump, hindi daw sagabal ang edad nila sakaling manalo bilang pangulo ng Amerika.

Hindi rin siya nababahala sa kanyang kalusugan.

Ipinagmalaki naman ni Biden ang nagawa sa pagsisilbi sa bansa at sa kabila ng katandaan ay kaya pang manilbihan sa Amerika.