Binigyan ng gradong 8 ng isang political analyst ang unang State of the Nation Address o SONA ni pangulong Ferdinand “Bong BOng” Marcos Jr.
Ayon kay Dr. Froilan Calilung, political analyst, binigay ng pangulo sa kanyang talumpati ang detalyado na mga hakbang na nais na maisakatuparan para sa bayan.
Giit nito na konkreto, komprehensibo at may rational na batayan ang kanyang mga binanggit.
Sinabi ni Calilung na magandang tignan ang mga programa na karamihan ay bago, bagamat may iba na dati na ngunit nais pa niyang pag ibayuhin.
Binigyang diin pa niya na maituturing aniya na kakaiba ang SONA ni Marcos sa mga nagdaang SONA ni dating pangulong Rodrigo Duterte dahil mas maliwanag, seryoso at nabalangkas na maigi ang naging talumpati ni Marcos.
Mapapansin aniya na naka-ayos at inisa- isa ang kanyang mga prioridad na tututukan sa loob ng anim na taong termino.
Samantala, walang nakikitang masama si Calilung sa pag gamit ng wikang Ingles at tagalog ni Pangulong Marcos dahil maganda ang pagkakalahad naman niya.
Batid aniya na mas tumatanim at may impack sa mga tagapakinig kapag nagsasalita ito ng tagalog pero dapat na unawain na kailangan din niyang magsalita ng wikang ingles lalo maraming mga foreign dignitaries ang nanood sa kanyang SONA.