DAGUPAN CITY- Mga Kabombo! Para sa ilan, kathang isip lamang ang mga mythical creatures.

Ngunit, para sa iba, isa itong long lost history.

Isang liblib na baryo kasi sa Serbia, ang sinasabi ngayon bilang pinagmulan ng unang naitalang vampire.

--Ads--

Ayon sa mga residente, si Petar Blagojevic, na inilibing doon mahigit 300 taon na ang nakalipas ang itinuturing na unang bampira.

Ayon sa mga tala noong 1725, hinukay ng mga residente ang kanyang katawan matapos masawi ang ilang kababaryo sa kahina-hinalang paraan.

Nang tuhugin ng patpat, umano’y dumaloy pa ang sariwang dugo sa kanyang bibig at tainga.

Batay sa mga lumang ulat gaya ng Wienerisches Diarium, ang kaso ni Blagojevic ang nagpasimula ng alamat ng vampire sa Europa.

Ngayon, umaasa ang mga taga-Kisiljevo na magiging tourist attraction ang kanilang “vampire heritage,” bagama’t ayon sa ilang eksperto, maaaring mistranslation lang ang pinagmulan ng alamat